KAPATID MO SA PUBLIC SERVICE
Sa panahon ng kalamidad, maaasahan ang pinagsamang puwersa ng News5, One News, One PH, at True FM sa paghahatid ng tapat na balita at serbisyo para sa inyo.
"PALPAK ANG PAMAMALAKAD MO SA DEPED"
Mainit ang naging sagot ng transport group na Piston sa pahayag ni Vice Pres. Sara Duterte matapos sabihin ng kalihim ng edukasyon na "communist-inspired" ang gagawing tigil-pasada ng iba pa nilang kasamahan. #News5
"We were granted an unqualified opinion by the Commission on Audit for the 4th straight year (2018-2021)!!! What a fitting exclamation point to our 6 years at the OVP🙏🙏" pahayag ni outgoing Vice Pres. Leni Robredo.
"'YUNG MGA KAKAMPI NIYO ANG WALANG HUMANITY SA AMIN."
Bumuwelta ang historian na si Prof. Xiao Chua sa hiling ng aktres na si Ella Cruz na "little humanity" sa kaniyang mga basher.
Matatandaang nag-viral ang young actress dahil sa paghahalintulad niya sa tsismis at kasaysayan.
"SAAN ANG CHARACTER IMPROVEMENT DOON?"
Hindi maunawaan ni Sen. Nancy Binay kung paanong naging pagmamahal sa bayan ang #ROTC gayong bulok aniya ang sistema nito dahil sa korupsyon, pang-aabuso, at hazing.
Sa naturang video, makikitang nilagyan ng "BBM" at "SARA" ang magkabilang sulok ng triangular seal ng Q.C. Matatandaan ding masugid na tagasuporta ng Marcos-Duterte tandem ang komedyanteng si Ai-Ai delas Alas.
TABI, TABI, DARAAN KAMI!
Binuwag ng mga raliyista ang mga bantay na coast guard personnel sa Katigbak drive sa Luneta ngayong Linggo, September 21.
Wala nang nagawa ang mga awtoridad kung hindi palampasin ang mga nagkikilos-protesta. #Protesta | via Reiniel Pawid
"'WAG AKO"
Matapos batikusin ni Manila Mayor Isko Moreno ang desisyon ni VP Leni Robredo na tumakbo bilang pangulo, lumutang ang dating naging pahayag ni Moreno kung saan sinabi niyang hindi siya tatakbo bilang pangulo. #BilangPilipino2022
Isa ang jeepney driver na si Dante Heraldo sa mga hindi sumapi sa kooperatiba sa ilalim ng PUV Modernization Program pero nagpapatuloy pa rin sa pamamasada. #News5
Hinikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang siklistang tinutukan ng baril ng isang retiradong pulis, na lumantad na at makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para makapagsampa ng mga kaukulang kaso.
"AKO PO'Y MAG-VOLUNTEER TO SERVE"
Sa nalalapit na pagtatapos ng kaniyang termino bilang senador, balak ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na mag-volunteer sa Angat Buhay NGO na ilulunsad ni Vice Pres. Leni Robredo. #BilangPilipino2022
"'WAG NA NATING TANUNGIN KUNG MAHIRAP. ANG TANUNGIN, KUNG KAILANGAN."
Ito ang sagot ni Vice Pres. Leni Robredo nang payuhan ng kaniyang anak na si Dr. Tricia na mahirap ang nais niyang Bayanihan E-Konsulta (BEK).