Mga Tool at Patakaran para sa Kaligtasan
Ang kaligtasan ay isang pag-uusap at responsibilidad na sine-share natin lahat. Malaman ang pamamaraan ng Meta sa kaligtasan at alamin ang tungkol sa mga tool at resource na available sa iyo.
Proteksyon ng Bata sa Online
Malaman ang tungkol sa komprehensibong approach ng Meta sa kaligtasan ng bata sa aming mga technology, kasama ang aming mga pagsusumikap na labanan ang online na pananamantala ng mga bata.
Kalusugan ng Isip at Kapakanan
Naging mas nadagdagan ang halaga ng online na kapakanan sa pangkalahatang wellness. Alamin ang tungkol sa mga tool at resource para sa pagsuporta ng digital na kapakanan para sa iyong sarili, ang iyong pamilya at iba pa sa iyong community.
Pambu-bully at Pangha-harass
Siniseryoso ng Meta ang mga report sa pambu-bully at pangha-harass. Matuto pa tungkol sa mga tool at resource na batay sa mga dalubhasa tungkol sa pag-iwas sa pambu-bully at pang-aabuso sa intimate na larawan.
Digital Literacy
Mayroong mga resource ang Meta para sa digital literacy na tumutulong sa mga nag-aaral na makakuha ng mga kakayahan at kaalaman na kailangan nila para umunlad sa digital world. Alamin ang tungkol sa mga resource na ginagamit sa rehiyon para sa kabataan, mga magulang at mga guro.
Pang-aabuso Gamit ang Intimate na Larawan at Sextortion
Mahigpit na ipinagbabawal ng Meta ang pagbabahagi ng mga walang pahintulot na intimate na larawan (NCII, o non-consensual intimate image). Kung nabiktima ka ng isang taong sine-share ang iyong mga personal na larawan —o isang tao na nagbabantang gawin ito— ipinapaliwanag ng page na ito kung paano gumawa ng agarang aksyon.
Maling Paggamit at Pang-aabuso sa Droga
Nakalaan ang mga resource na ito para sa mga naghahanap ng tulong at impormasyon tungkol sa pagpigil at pag-recover sa paggamit ng kontroladong kemikal at binuo ang mga ito sa pakikipagtulungan sa Partnership to End Addiction at Song for Charlie.

Safety Center

Sa Meta, gumagamit kami ng komprehensibong pamamaraan para gawing mas magandang lugar ang aming mga teknolohiya para sa lahat. Alamin kung paano kami nagsusumikap na mapanatili kang ligtas sa aming mga platform.

Search Safety Center

Mag-browse nang ayon sa topic o community

Mga Paksa

Ikaw man ay kasalukuyang nahaharap sa isang isyu o gustong maging proactive sa iyong kaligtasan online, gusto naming tumulong. Tumuklas ng mga resource at tool para sa kaligtasan sa aming mga teknolohiya na sinusuportahan ng eksperto.

Tingnan ang lahat ng paksa

Mga Community

Ang aming misyon ay buuin ang hinaharap ng koneksyon ng tao at ang teknolohiya para ito’y maging posible. Pero hindi ito posible kung hindi mararamdaman ng mga tao na ligtas sila sa aming mga teknolohiya. Kasama sa aming pamamaraan sa kaligtasan ang pagsusulat ng mga malinaw na patakaran tungkol sa pinapayagan at hindi pinapayagan sa aming mga platform, pagbuo ng sophisticated na teknolohiya para makita at mapigilang mangyari ang pang-aabuso, at pagbibigay ng mga nakakatulong na tool at resource para sa mga tao para makontrol ang kanilang experience o para makakuha ng tulong. Alamin pa ang tungkol sa kung paano kami nagsusumikap na magbigay ng ligtas na mga experience para sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay.

Tingnan ang lahat ng communitiy

Mga Naka-feature na Resource

Nakipag-collaborate kami sa mga eksperto sa range ng mga isyu para gumawa ng mga patakaran, tool at resource para bigyan ng prayoridad ang iyong kaligtasan. Tingnan ang mga nada-download na resource para sa kaligtasan para alamin pa. Ibahagi ito sa trabaho, paaralan at iba pang mgs setting ng community.

Tingnan ang lahat ng resource

Mga Help Center