Top.Mail.Ru
? ?
batang antukin
03 July 2011 @ 01:19 am
this is it.
sana ito na.
don't choke
don't choke
don't choke

anyway. hi guys. namiss niyo ba ako? kompleto ba naman ang start of the sem entry kung walang kwento tungkol sa mahiwagang enrollment

long story short. (at its best, pramis short version na ito)

*hindi nakaabot sa graduating status, kaya CoE 198 (undergrad student project) at mga free elective lang ang nakuha sa CRS
* sa umpisa hindi nagooffer ng eee 44 (kailangan ko 'to) at hindi ako nakakuha ng eee 54.
* monday pumasok ng maaga, naghanap ng ibang adviser, nagpapirma ng graduating, by the time na pupunta na sa eng'g ng 11:30 LUNCHBREAK NA DAW. (kala mo hanggang 12:30 LANG? but no, bumalik daw ng mga 1:00)
*1:00 na. magoopen daw ng 1:30. basta aun before 2 pm naging graduating status din
* nakakuha ng eee 54 wed 7-10 am; nagrequest ng eee 44
* the next day nakakuha ng eee 44 thurs 2:30 - 5:30;
* tapos na, tinamad lang magbayad
* WOAH. SHET PATAY. hindi daw naapprove un substitution ng CS120 para sa CoE elective
*PANIC! kuha ng subject. tapos wag mawalan ng pagasa, pacancel ng subject. kausapin ang adivser
* hmmm.. patay! parin. red tape? baka hindi maapprove un substitution sa OUR (valid un point, pramis) pero aun
* PREROG sa CoE 123 (digital image processing wed fri 6-9 pm) lowest grade na dapat makuha 2, bawal magdrop
* pacancel ng free elective na psych101 :( (sayang feeling ko pa naman marami ako matututunan.. )
* hmm bayad nalang. as usual pila. pero cmon, bago pa ba un?

this is it. pancit. seryoso na 'to

mamahalin ko na un project ko. :)
 
 
batang antukin
13 May 2011 @ 10:20 pm
haha. bored. andameng magagandang kanta, at kahit na hindi ako inlove (woohoo since 1st year college) masaya paren makinig sa mga love songs.. so para maiba naman... gawa tayo ng playlist. (majority dito galing sa chuck na soundtrack, sorry naman na. pero infairness maganda talaga un soundtrack nila)

okay game na? dapat may photoshop pa parang album art. pero dahil tamad ako, at marami akong ibang dapat gawin.... track listing nalang. galing lang 'to sa utak ko. so pagbigyan short term memory, sa susunod na un extensive talaga? hahaha.labo

okay so kaya ko pinili ang first batch na ito ay dahil sa lyrics ng mga kanta. woah powerful? hahaha. failed

#1 First Day of My Life - Bright Eyes

And you said “this is the first day of my life
I’m glad I didn’t die before I met you
But now I don’t care I could go anywhere with you
And I’d probably be happy”

#2 18th Floor Balcony - Blue October

I raised my hand as if to show you that I was yours
That I was so yours for the taking
I'm so yours for the taking and
Thats when I felt the wind pick up
I grabbed the rail while choking up
These words to say and then you kissed me... (yeah)
I knew from the start
My arms are open wide
Your head is on my stomach
And we're, we're trying so hard not to fall asleep

#3 3 Rounds and A Sound - Blind Pilot

They're playing our song
They're playing our song
Can you see the lights?
Can you hear the hum?

Of our song
I hope they get it right
I hope we dance tonight
Before we, get it wrong

#4 Almost Lover - A Fine Frenzy

Goodbye my almost lover
Goodbye my hopeless dream
I'm trying not to think about you
Can't you just let me be?

So long my luckless romance
My back is turned on you
Should've known you'd bring me heartache
Almost lovers always do

#5 Wait it Out - Imogen Heap

Where do we go from here?
How do we carry on?
I can't get beyond the questions.
Clambering for the scraps
in the shatter of us collapsed.
It cuts me with every could-have-been.

#6 Samson - Regine Spektor

You are my sweetest downfall
I loved you first, I loved you first
Beneath the sheets of paper lies my truth
I have to go, I have to go
Your hair was long when we first met

#7 Dance So Good - Wake Wakey

So tell me why we're talking when we dance so good
So tell me why we're talking when we dance so good
And I know you can't stay but I wish you would
Yeah I wish you would, I wish you would

#8 Everything - Lifehouse

And How can I stand here with you and not be moved by you?
Would you tell me how could it be any better than this?

#9 Gravity - Sara Bareilles

Set me free, leave me be. I don't want to fall another moment into your gravity.
Here I am and I stand so tall, just the way I'm supposed to be.
But you're on to me and all over me.

#10 My Backwards Walk - Frightened Rabbit

i'm working hard on walking out
shoes keep sticking to the ground
my clothes won't let me close the door
these trousers seem to love your floor

i been working on my backwards walk
there's nowhere else for me to go
except back to you just one last time
say yes before i change my mind
 
 
 
batang antukin
02 January 2011 @ 12:48 am
haha. bagong taon na naman. as usual. feeling ko copy-paste lang 'to ng 2010 resolutions.

promises are made to be broken. pero still. malay mo, minsan may mga promises na hindi nabbreak kasi hindi meant to be. (ngeeh anlabo)

anyway. eto na. tada!

1. be more self confident? basta magkaruon ng tiwala sa skills na meron ako. kasi narealize ko na hindi naman ako aabot na hanggang 5th year kung hindi ako ganun ka okay sa course ko.

2. stop cramming. MAHAL NA ANG TAXI. hahaha. kasi pag nagccram ako nalalate ako. anyway. aun stop cramming

3. at para magawa un number 2. eto ang pinaka importante. BE MORE DISCIPLINED sa sarili. practice more self restraint.

4? hmmm. ano pa ba? maging MAS MASIPAG ULIT! ibalik ang DRIVE SA pagaaral at sa pagkuha ng bagong skills and knowledge. oo na naburn out ako. pero this time. i'm back. pramis.


eto na talaga. this is it!

i'm baaaaccckkk ( haha creepy)

tinamad na ako gumawa ng review ng 2010. (hindi naman ganun ka importante un sa number 4)

go 2011. AJA!
 
 
batang antukin
12 November 2010 @ 07:59 pm
haha. grabe. pag binasa ang previous entries. may distinction between highschool and college. haha. highschool - lovelife at mga kalokohan. college - acads.

walalang.

ankulet lang na parang pdeng hatiin sa 2 blog eto. kasi magkaibang magkaiba. un highschool din pala naka friendslock, so kung hindi mo nababasa un. hehehehe.


anyway. eto na naman. 5th year 2nd sem.

16 units. (last 26 units nalang)

so far, ok pa. malamang first week of classes. either introduction, or walang pasok. buong week. ang saya diba?

next week. start na. start na talaga. kaya sinasavor ko pa ang pseudo sembreak. diba? hahaha.

coe113- this is it. SIYA ulit un prof. un sa washing machine. ano ba ang kwento ng washing machine? kasi ganito un. may isang problem sa exam sa coe23 (3rd year, 2nd sem na subject) na talagang hanggang ngayon hindi ko alam kung pano sagutin, at BOTHERED paren ako dahil hindi ko alam kung bakit ganun un sagot. un alternate na kwento is, may imbento akong sagot, binura ko, un pala mejo tama na, kaya sinulatan ng prof ng sayang, tama sana ito :) (part un smiley) anyway.

magaling siyang magturo, pero IBANG KLASE SIYANG MAGPAEXAM. as in magdodoubt ka talaga sa sarili mo kung natuto ka ba talaga, kasi alam mo naman na nagaral ka. pero bakit hindi mo masagot?

coe115- sayang akala ko kasi may partner na ako, kaso aun, tapos pero may partner na ulit ako sa lab. kasi 60% lab, kaya eto na. this is it

cs120- hindi pa kami nagkikita ng prof. pero web technologies siya.so aun.
ce22 - engr. economy. so pera? papaturo nalang ako sa pinsan ko

and last BUT NOT THE LEAST, BECAUSE IT IS THE MOST. hahahaha

eee190 - PROJECT PROPOSAL. this is it pancit. iphone games..

so inshort

puno na naman ng machine problem (may board na na due sa FRIDAY sa coe115, at may quiz sa thursday) machine exercise (para sa coe113) at progress report (hello game na iimbento ko) hindi ko pa alam un sa cs120 at ce22.

anywayy... eto na naman.

pero hindi ko na uulitin ang coe135 mistake kung saan prinessure ko un sarili ko hanggang sa point na hindi na ako nakagalaw sa takot na magkamali. ieenjoy ko nalang un subjects ko ngayon. mukha silang masaya. nakakapressure un cutoff. pero. wah. BAHALA NA. ieenjoy ko nalang un subjects ko. ang importante matuto ako. at magenjoy ako. at matuwa ako sa ginagawa ko. kasiii... last sem napressure ako, maganda sana, interesting sana, kaso nakakapressure un coe135 dahil nga un chance na masipa ako sa lab. so hindi ko masyadong naenjoy. kasi may takot. kaya this time. ieenjoy ko na.

siguro isang beses pa. ienjoy ang subjects at wag mapressure. siguro pag paulit ulit kong sabihin papaniwalaan ko na rin.
 
 
 
batang antukin
yup. hahaha. 5th year, 2nd sem. (pero hind pa yan ang ending, may 10 units pa ako, hello 6th year 1st sem) pero anyway. dapat may isa pa akong entry. semender. pero nakakatamad na.

tantarantan...

GRABE

FOR THE FIRST TIME.

bakit for the first time? kasi for the first time nakuha ko lahat ng kailangan kong subjects sa crs. (ganun ako kamahal ngayon ng crs.. parteeh. 19 units, na pinacancel ko pa un psych 101 kaya lahat ng 16 units ko, BIYAYA NG CRS)

pero.. makokompleto ba ang enrollment nang walang learning experience..

dibale nagawa ko rin un enrollment for 1 day, actually mga 2 hours lang talaga siya. actually dapat less than an 1 hour. pero gaya ng sabi ko, makokompleto ba ang enrollment nang walang nangyayaring happening?

syempre HINDI

this time, LIBRARY CLEARANCE ANG PROBLEMA. hindi ko pa daw sinasauli un mga libro na hiniram ko ng july. HUWAT! eh wala na akong libro sa bahay.

BROWNOUT SA LIBRARY. MAY SUMABOG NA TRANSFORMER, NASA MAY PAGKABASEMENT UN. in short. MADILIM SA MAY STACKS. actually hinarang ako ng guard. un isa sabi bahala daw ako.

PARANG AMAZING RACE. un 2 choices: either pumunta ng eng'g lib1 (sa engineering building aka melchor hall) or hanapin un libro sa stacks, kung saan madilim. eh nagmamadali ako. (saka na un kwento kung bakit ako nagmamadali at kung ano un nangyari) kaya pinili ko nalang maghanap ng 2 libro, sa dilim. sa library.

nakita ko un isa kagad, kasi naalala ko kung saan shelf, saka may kaunting liwanag mula sa bintana so nababasa ko un titles kahit papano.

pero nakalimutan ko un title nun isa. kaya balik ulit eee, kuha nun call number nun isang libro. at surprise surprise, andun siya. in short.. wala palang problema, hindi lang napunchin na nasauli ko un libro. HASSLE.

sabi saken ng kaibigan ko na kaya daw ganun kasi kampanteng kampante daw ako. PERO KASI KUNG HINDI NANGYARI UN. record breaking na enrollment in less than 45 minutes ang magaganap, kasi umabot ata ako ng mga 45 minutes dahil dun sa library clearance..

computerized na ang form5, at may bagong feature siya na assessed ka na kagad: automatically..

aun lang. enrollment in 2 hours. RECORD BREAKING!!!!!! woohooooo

sabi nga dati ni bettina. *nagpapasabog ng sandamakmak na confetti* dahil tapos na akong magenroll. in 2 hours. 2hours!!!!






in other news: nagmamadali ako kasi paalis na un lola&lolo ko pabalik ng states. grabe pagod. dahil walang taxi na magsasakay, umuulan..

kaya nilakad ko mula lrt station gilmore. hanggang dun sa bahay nila sa north greenhills. sa ulan. :P

kapagod, pero ok lang naabutan ko sila. nakapagpaalam ko. :)
 
 
Current Mood: bouncybouncy
 
 
 
batang antukin
20 October 2010 @ 08:27 pm
2

pero grabe. lowest nga siya, pero sa lahat ng subjects ko dito ako pinaka nanganib at isa ito sa mga super na pinaghirapan ko. kaya super Thankful ako. ngayon palang.super thankful ako kasi un grading system: 1,1.5,2,2.5,3,5.kasi isang bahing nalang nasa 5 na dapat ako.

grabe. iba talaga si Lord. as in ganun ako nanganib sa CoE 135 ang pinakaimportanteng subject ng later part ng eee life ko.

kasi alam niyo un sa heroes na save the cheerleader, save the world. parang ganun un 135. Fail CoE 135, get removed from the CNL lab.

no Lab, no project proposal. + 1 year na naman.

so anyway aun.

bukod dun.

exempted ako sa eee53 comprehensive exam. buti nalang kasi ayoko na talagang magisip. grabe record breaking ang eee 53. pag un average of exams mo is greater than 28. PASADO KA NA. diba usually 60, dati daw bumaba hanggang 40. but this sem. record breaking 28. wooohoooo. grabe

ano pa ba?

well un palang un magandang balita acad wise. PERO HIMALA IYAN MGA IYAN. pramis. as in super dininig ni God un mga dasal ko. as in super dasal. nagnovena pa ako kay sto. nino (thrice?, pero super grabe ok.)

actually hindi natest ngayon sem na 'to un faith ko. kasi hindi naman ako un tipo ng tao na pag hindi na okay nawawalan na ng tiwala. parang kabaligtaran nga, this sem. lalong lumakas. kasi sa mga moments tulad ng eee53 at coe135 na wala nang makapitan, at halata naman na hindi na talaga kaya ng powers. si God ang bahala. at in fairness ang galing niya. grabe 2! 2! gusto kong magpaparty. kasi super dasal ako ng 3, as in un ung hinihingi ko sakanya. pero 2! un binigay niya..


walalalang.

dalawang himala. sa luob ng 2 araw.

kaya nga siguro hindi na ako nagdarasal para magkaruon ng love life.. okay na un mga himala niya sa acad life ko.


grabe SEMBREAK NA! officially. pero back to work sa lab stuff. haii. ohwell. hindi na kailangan magisip. MASYADO. hahaahhahaha.

pag naglabas na ng grades saka go gagawin un official sem ender entry. pero sa ngayon. GRABE THIS ENDS THE HARDEST SEM so far. 2 sems to gooooo.
 
 
 
batang antukin
02 October 2010 @ 09:12 pm
haha. ganun siya ka epic kaya despite of the hell-ness since august. kailangan ko siyang gawan ng entry. actually kailangan ko rin siya gawan ng written report. pero i doubt mas gusto niyong mabasa iyon, kaya eto ang recap/geekiness.

(abangan niyo ang entry tungkol sa epipcnessng coe 135. SAVE THE BEST(ehem worst) FOR LAST.


wait. balik tayo sa ee 298 finals. ang ee 298 ay computer and network security (magandang term para sa hacking. hehehe)

anyway ang finals is, hack ng 2 computer, un isa hack-able (exploitable) un isa hindi. tapos kailangan mong mahack un exploitable bago dun sa isa, kasi legal access dapat dun sa isa. anyway.. ang saya saya. kasi oo nga naidentify namen kung saan sa network un vulnerable machine(exploitable/hack-able) tapos naexploit/nahack na namen. nakuha un accounts and passwords (un din un gagamitin dun sa pangalawang non exploitable machine)

ang normal way is daan sa exploitable machine then use the exploitable machine para maaccesss un non exploitable machine. KASO may isa pang way. kasi connected un non exploitable machine sa network so pwede mo maccess un pangalawa.

maeffort un long way. so habang nififgure out namen kung pano un (tag team kasi) biglang sabi ko. hmmm vmware din etong isa. BAKA/PWEDE ITO. tapos nagtry ako mag ssh; ssh [isa sa mga accounts]@10.40.253.20 tapos biglang nagtanong ng password: (MMAACCOOYY)

tapos biglang nakakuha ako ng terminal dun. so akala ko lang fake. kaya nagtry ko ilist un nasa directory. 2 files lang: flag.zip, flag.rar.

so ini-scp ko lang un 2 files. TAPOS nun niccrack na namen un password protected na file. inuna namen un flag.rar inang-bayan! un password. so okay na. akala namen 2 un flag, kaya nicrack din namen un zip. so triny un other passwords na jejemon. twice. un pala inang-bayan! din un password.


siguro blah blah blah lang 'to. pero super benta/kulit kasi un paghula lang na baka andun un machine. TAPOS ANDUN NGA. kasi nitry namen after un long way. LONG WAY NGA. eh naaccess din naman pala un machine. WAHAHAHA. FINALS pwned, dahil sa hula/gut feel/swerte. hehehehe
 
 
batang antukin
26 July 2010 @ 12:48 pm
it's been a while (nakanaks nag ingles) hahaha. :P parang magandang background music un it might be you: un time, ive been passing time watching trains go by all of my life...

anyway

ganda nung timing nung sunday.

kasi mejo nagdedepress depressan ako. may isang nangyari na super pinalaki ko? sa utak ko? out of proportion. cge na nga sasabihin ko na. hindi ako nakagawa ng machine exercise tapos 3 na un hindi ko nagagawa. so sabi ko babagsak ako. tapos pag bumagsak ako matatanggal ako sa lab. tapos maghahanap ako ng ibang lab kaya hindi ako makakapag 190 next sem, tapos pag hindi ako nakapag 190 next sem hindi ako makakagraduate next year. so see? machine exercise fail = hindi ako makakagraduate.

in short sinira ko na ang buhay ko. in just 10 minutes? i mean andaling magspiral ng utak noh? lalo na ng utak ko? lalo na pag worst case. ok sana siya pag nagiisip ng mga paran kung paano masisira ng user un code mo. pero this time. ang iniisip ko ay kung paano sirain ang buhay ko.

ah basta. so aun. tapos eto na. biglang Gospel nung sunday: ask and you shall receive, seek and you shall find, knock and the door will be opened. tapos un point pa na kung un magnanakaw nga nagbibigay ng matino sa anak nila, what more si God. kasi mejo aaminin ko na natakot ako at nagduda. pero hindi na ngayon. kasi Bahala na siya. i asked. at alam ko na i will receive.hindi technically kung ano un gusto ko, pero ano un Gusto niya. eh sa ending naman. un ung importante diba? maganda sigurong background music dito un: you can't always get what you want, (2x) but if you try sometimes, you get what you need. :)

tapos eto pa ang matindi. walang ulan nun. kalagitnaan ng mass, biglang to the highest level ang pagbuhos ng ulan. so parang wait, wala kaming dalang payong (may dala un daddy ko, pero hindi kami magkakatabi kasi late kami, so mas negative thinker pala siya kasi naisip niya kung paano kung umulan, eh nun bumaba kami walang cloud sa sky, tapos nagbonding pala kami ng dad ko. nagusap lang, habang nagaantay ng takeout na pizza sa pizza hut, tapos iba un feeling) anyway aun. ano na ba? basta wala kaming payong. tapos sabi ko hihinto ang ulan pag tapos na ang mass, kasi sign un. sign ng alin hindi ko na sinabi kasi diba masama un. basta ewan ko lang na alam ko na pag tapos na ang mass hihinto ang ulan.

huminto nga ang ulan

pero sandali lang. tipong pagkasakay sa kotse, after mga 5 minutes bumuhos na ulit. as in literal na buhos. as in baha na kagad?



ganda ng timing ni God noh? una un Gospel (actually pati un responsorial psalm, pero hindi namen naabutan kasi nga late kami) tapos un ulan.


never doubt Him again. as in
 
 
 
batang antukin
11 June 2010 @ 05:23 am
na feel na feel mong maglakad sa ulan, un hindi uso un payong, uso ang jacket, pero pinaka uso un nababasa ng ulan...

wahahaha.

FAIL. dahil ngayon grabe. bobo moment ang pagkalimot ko ng payong. walalng..

ano pa ba?

dapat marami akong ikkwento kaso, wag nalang. awww... haii.


in other news. kailangan ko na ng project topic, ano kayang magandang technological advancement in networking??

saka andami ko pa palang hindi alam, lalo na kung icocompare sa labmates. ohwell. kaya nga nasa school para matuto

ABI!! kung nababasa mo 'to, nu sched mo? kailan tayo maglulunch?
 
 
batang antukin
02 June 2010 @ 10:00 pm
haha. balita ko 5th year na ako; kung maglolook back tayo sa mga previous entries. WALANG PINAGGBAGO. hindi paren ako tapos magenroll.

well hindi ako ganun natetense. PERO NAPAGOD AKO AH.

isang malaking paasa ang cs. madaya ang trical system. oo na, nagsanib pwersa ang mga college na nagoffer ng indemand na subjects. MALAKING PAASA. capital P. Asa!

wah.

may pila sa labas. pagnakapasok ka na. uupo ka sa parang numbered area. hanggang 50, pagkalipas nun may area sa likod ng black board (holding area number 2) tapos papasok ka sa room kung saan uupo ka muna sa floor, SNAKE (un nokia game) STYLE ang pila, tapos sa floor pa un, tapos un mga chairs nakapaikot sa buong room, pagkatapos mo sa floor iikot ka at magmumusical chairs dun sa nakapalibot na mga upuan (holding area number 3) tapos. papalabasin ka. AKALA MO PUPUNTA KA SA ROOM KUNG SAAN MAGEENLIST KA. tama. duon ka nga dadalhin, ang hindi mo alam, SNAKE STYLE DIN ANG PILA DUN. (holding area 4).

DIBA PAASA?

akala mo wala nang pila.

SURPRISE.

actually tip of the iceberg palang yan. paiksiin ko na ang 1st day of enrollment

815am nasa 3rdfloor na ang pila para sa makapasok sa room 204 na magoopen ng 9. (204=enlistment room). SURPRISE SURPRISE KAILANGAN NG PRE ADVISER'S signature. 1 pm pa darating si sir. so pagdating sa 2nd floor, (naglagasan ang mga tao) hanapan ng adviser, na pwedeng magadvise, na papayag. hindi pumayag si sir tai, hindi pumayag si sir alarilla, hindi pumayag si sir mong. PUMAYAG SI SIR DOCR. (considering ece ata or ee siya? basta hindi coe) pero grabe nakakasuffocate na sa 2nd floor, mahabang pila. physics muna? BAWAL non-trical sa hapon pa

kaya lunch muna, kahit hindi pa lunchbreak
pagdating sa eee lunchbreak, ID NA ANG NAKAPILA
so 130 ipinila ang id
3 na, non-trical a-e surname sa csrc
habang nagwowowee ako, natawag ang pangalan ko sa eee para makapagpaenlist
OOPS
mga 5 na ako nakabalik sa eee

SO BUKAS NA

bukas.

tomorrow's another day


sayang kaninang umaga akala ko 1 day enrollment mararanasan ko na, HINDI PALA. there's always next sem, and next next sem. haha