Hindi ma-redeem ang Netflix gift card

Kung hindi mo ma-redeem ang Netflix gift card, subukan ang sumusunod na steps para ayuin ang error message o problema na nararanasan mo.

Kung nakikita mo ang message na nagamit na ang code na inilagay mo, kadalasang ibig sabihin nito na na-redeem na ang card sa isang account. Tingnan ang page na History ng Pagbabayad o Membership para makita kung na-apply na ang gift card balance. Kung hindi mo makita ang gift card balance sa account mo, makipag-ugnayan sa amin.

Kung nakikita mo ang message na hindi valid ang code mo, karaniwang ibig sabihin nitong may problema sa code na inilagay mo. I-double-check ang code at subukang ilagay ulit.

Kung nailagay mo nang tama ang code pero nakikita mo pa rin ang message na ito, posibleng hindi pa naa-activate ang card mo ng merchant kung saan mo binili ang gift card. Maghintay nang 24 na oras bago subukang i-redeem ulit ang gift card mo. Kung nakikita mo pa rin ang error na ito, makipag-ugnayan sa amin.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies para i-clear ang Netflix cookie; isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Pumunta sa netflix.com/redeem at subukang i-redeem ulit ang gift card mo.

Kung nakikita mo pa rin ang message na ito, posibleng hindi pa naa-activate ng merchant ang card mo. Maghintay nang 24 na oras bago subukang i-redeem ulit ang gift card mo. Kung nakikita mo pa rin ang error na ito, makipag-ugnayan sa amin.

Kung nakikita mo ang message na hindi puwedeng gamitin sa account mo ang inilagay mong code, kadalasang ibig sabihin nitong sinusubukan mong i-redeem ang gift card sa isang account na sinisingil sa pamamagitan ng Apple, o naka-link sa isang package na may kasamang Netflix.

  • Kung kasalukuyan kang nagbabayad sa pamamagitan ng Apple at gusto mong gamitin ang isang Netflix gift card, kailangan mong i-cancel ang Netflix account mo, maghintay hanggang mag-close ito, at i-restart ito gamit ang gift card mo.

  • Kung naka-link ang account mo sa isang package na may kasamang Netflix, puwede mong i-save ang gift card at gamitin ito kapag hindi na naka-link sa isang package ang account mo, o puwede mo itong i-redeem sa ibang Netflix account.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies para i-clear ang Netflix cookie; isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Pumunta sa netflix.com/redeem at subukang i-redeem ulit ang gift card mo.

Kung nakikita mo pa rin ang message na ito, posibleng hindi pa naa-activate ng merchant ang card mo. Maghintay nang 24 na oras bago subukang i-redeem ulit ang gift card mo. Kung nakikita mo pa rin ang error na ito, makipag-ugnayan sa amin.

Kung nakikita mo ang message na hindi nag-match sa bansa ang inilagay mong gift code, karaniwang ibig sabihin nitong hindi nagma-match sa billing currency mo ang currency ng gift card. Dapat mag-match sa billing currency mo ang currency ng gift card para matagumpay itong i-redeem.

Kung sa tingin mo ay naipadala sa iyo ang message na ito nang hindi sinasadya, makipag-ugnayan sa amin.

Kung hindi mo mabasa ang code sa likod ng card mo dahil may scratch o damage ito, makipag-ugnayan sa amin.

Kung nakikita mo ang message na ito, nangangahulugan ito na sinusubukan mong i-redeem ang gift card sa isang account na binabayaran ng ibang tao.

Puwede kang gumawa ng hiwalay na account kung gusto mong magbayad ng Netflix gamit ang isang gift card.

Mga Kaugnay na Article